'Tang Inang Puso
tuloy ang laban
...ngunit para saan pa?!
***
ano bang magagawa ko?
...'wag ko syang mahalin?
kung pwede lang. kung pwede lang!
kung kaya ko, dati ko pa siguro s'ya tinaboy...!
ngunit 'di pwede.
'di pwede...
kasi 'di ko kaya.
***
'tang inang buhay.
'tang inang puso.
kahit lahat naman gawin ko - lumayo ako, 'wag ko na s'yang pansinin, gawin ang lahat ng makakaya para pigilin ang pag-ibig - wala ring kwenta. sa tingin nila, may nangyayari pa rin. ako'y tanga pa rin. nangyari na kasi. 'di na mababawi.
***
kung pwede nga lang, 'di na ko hihinga. para matapos na ang paghihirap.
pero s'ya rin ang dahilan kaya patuloy pa ang paghihinga ko eh.
ang gulo nh? kahit mahirap, binubuhos ko pa rin ang buong lakas ko para lumanghap at maglabas ng hangin.
ngunit bakit pa? para saan?
***
ituloy ang laban, utos ko sa sarili.
alam ko na kung para saan.
para sa kanya...
para sa kanya lang.
---------------oOo---------------